Interesado ka bang maging isang certified na profesional driver?
Good news! Ang Jun Go Technological Institute Inc., sa pakikipagtulungan ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), ay nag-aalok ngayon ng scholarship na may libreng daily allowance para sa vocational course na TESDA Driving NC II.
Course Overview:
Ang TESDA Driving NC II ay isang short course ng TESDA na nagtuturo ng tama at ligtas na pagmamaneho ng mga light at heavy vehicles. Kasama na rito ang mga basic vehicle maintenance, mga road signs at pagiging defensive driver.
May babayaran ba sa training na ito?
Walang babayaran sa training na ito, bukod sa libreng training, may ibibigay pang allowance para sa mga scholars. Under ito ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA.
- Libreng tuition para sa Driving NC II course
- Training Support Fund – Php160 Daily Allowance to cover meals and transportation
- Free Competency Assessment para sa National Certificate
Training Details
Available Slots: 50
Training Duration: 118 hours/15 days
PRIMARY TARGETS:
- Underemployed, unemployed
- At Least 18 years of age at the end of the training
- NEET (Not Employed, Not in Education, Not in Training)
Saan gaganapin ang training?
Ang training venue sa scholarship na ito ay sa Jun Go Technological Institute na matatagpuan sa Alcala St., Sipi, Daraga, Albay.
How to Enroll in this TESDA Driving NC II Scholarship?
Para sa mga interesado sa scholarshi na ito, tumawag o bumisita lang sa office ng JUN GO TECHNOLOGICAL INSTITUTE, INC.
Address: Alcala St., Sipi, Daraga, Albay.
Contact Number: 0966-716-3185
Email: [email protected]