Libreng Massage Therapy NCII Course sa TESDA Online Program

Maraming inooffer na libreng online course ang TESDA at isa na dito ang Massage Therapy NCII. Maganda ang course na ito para sa mga gustong maging Massage Therapist, at mga taong gusto lang matutong magmasahe.

Pwede rin ito sa mga may asawa para imbes na pumunta ang asawa mo sa mga Spa, ikaw nalang ang magmamasahe sa kanya. Makakatipid na kayo, magkakaroon pa kayo ng bonding.

Ituturo sa TESDA Massage Therapy NCII Online Course kung paano gawin ng tama ang Swedish, Shiatsu, and Thai massage. Ituturo din dito ang 3 stages ng massage therapy, ito ang pre-massage, massage proper, and post-massage.

May certificate bang ibibigay kung natapos ang TESDA online course?

Ang online courses ay ginawa upang mas maraming Pilipino ang matulungan at madagdagan ang skills. Makakakuha ka ng certificate kung natapos mo na ang online course na iyong napili.

Kung sa palagay mo ay ready ka na, maaari ka ng kumuha ng face-to-face assessment para makakuha naman ng National Certification sa mga TESDA accredited assessment center or venue.

Paano mag-enroll sa TESDA Online Program?

Madali lamang ang magregister sa TESDA online program, pwedeng gumamit ng laptop, tablet at phone. Kung smartphone ang iyong gagamitin sa pag-aaral dito, may ginawa kaming tutorial kung paano magregister. (Free Study Using Mobile Phone in TESDA Online Program).

  1. Gumawa ng email address, pwedeng gumamit ng yahoo o gmail. Dito ipapadala ang confirmation at mga kaganapan sa iyong gagawin na account sa TESDA Online Program.
  2. Pumunta sa e-tesda.gov.ph signup page at ifill-up ang mga kailangang details gaya ng pangalan, tirahan, birthday, ang email address na iyong ginawa at ang iyong magiging password at username. (Siguraduhing huwag kalimutan ang username at password, ito ang iyong gagamitin para maka-access sa mga courses.
  3. Magpapadala ng confirmation link ang TESDA sa iyong email address. Pindutin lamang ito at pasok ka na sa TESDA Online Program.
  4. Pwede ka ng pumili ng courses na gusto mong pag-aralan.

View Comments (3)

  • I’m very thankful for this opportunity I hope the training will be available as soon as possible

  • I’m very thankful for this opportunity I hope the training will be available as soon as possible

Related Post

This website uses cookies.