Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon at training ay isa sa mga pinakamahalagang sandata para makahanap ng maayos na trabaho.
Ngunit marami sa atin ang walang sapat na budget, walang oras at malayo sa mga schools.
Dahil dito, ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay naglunsad ng mga Free TESDA Online Courses na pwedeng ma-access sa desktop, laptop, tablet at smartphone.
Ano ang TESDA Online Program?
Ang TESDA Online Program (TOP) ay isang free web-based platform na para sa mga Filipino na gustong mag-aral ng technical vocational course, o gustong i-level up ang kanilang skills upang magamit sa kanilang trabaho at negosyo.
Layunin nito na maipaabot ang sapat na technical education and skills development services sa mas maraming Filipino.
Dahil ito ay isang online program, ang mga students ay pwedeng mag-aral kahit anong oras at kahit saang lugar, nasa Pilipinas man o nasa abroad.
Who is eligible for TESDA Online Courses?
Ang TESDA Online Courses ay pwedeng pag-aralan ng mga Filipinong gustong magkaroon ng bagong skills.
Ito ay open para sa mga out of school youth, Overseas Filipino Workers (OFW), students, professionals, entrepreneurs at mga job seekers.
Certificate of Completion
Kapag natapos ang isang online course, ang TESDA ay may ibibigay na Certificate of Completion (COC).
Ang TESDA Online Course Certificate na ito ay pwedeng i-upgrade sa National Certificate (NC) sa pamamagitan ng pag-aaply ng face-to-face assessment for National Certification sa mga TESDA accredited assessment center or venue.
List of Free TESDA Online Courses
21st Century Skills
- Communication
- Environmental Literacy
- Digital Literacy
- Language Literacy
Agriculture
- Agro-Entrepreneurship NC II
- Aquaponic Food Production
- Organic Agriculture Production NC II
- Agricultural Crops Production NC II
- Fruit Growing
Automotive and Land Transport
- Automotive Servicing (Engine Repair) NC II
- Automotive Short Courses
Construction
- Plumbing NC II
- Photovoltaic Systems Installation NC II
- Technical Drafting NC II
Electrical and Electronics
- Computer System Servicing NC II
- Electrical Installation and Maintenance NC II
- Renewable/Alternative Energy
Entrepreneurship
- iSTAR PROGRAM
- OFW RISE
- Start and Improve Your Business
Gender and Development (GAD)
Halal Awareness Program
Heating, Ventilating, Airconditioning and Refrigeration Technology
- Refrigeration and Airconditioning Servicing (DOMRAC)
- Commercial Air-Conditioning Installation and Servicing NC III
Human Health/ Health Care
- Barangay Health Services NC II
- Massage Therapy NC II
- Caregiving (Elderly) NC II
- Contact Tracing NC II
- Barangay Infectious Disease Management Services Level II
- Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace
Information and Communication Technology
- Visual Graphic Design NC III
- SMART ICT Courses
Lifelong Learning Skills
- Skills to Suceed Academy
- Financial Literacy
Maritime
- Ships’ Catering
Process Food and Beverages
- Food Processing NC II
Social, Community Development and Others
- Beauty Care (Nail Care) Services NC II
- Domestic Work NC II
Tourism
- Bread and Pastry Production NC II
- Cookery NC II
- Food and Beverage Services NC II
- Front Office Services NC II
- Housekeeping NC II
TVET
- Trainers Methodology I
- Trainers Methodology II
TESDA Capability Building Programs for TESDA Employees
- National Institute for Technical Education and Skills Development
- Capability-building Program (CBP) for the Implementation of the Area-based and Demand-driven TVET
- Regional/Institutional LMS Administration Training Program
TOP Courses with Accessibility Features
- Bread and Pastry Production NC II
- Food Processing NC II
International Labour Organization (ILO) Online Courses
- Job Readiness Courses (New)
- STEM in TVET Workshop
How to Enroll in Free E-TESDA.gov.ph – TESDA Online Courses?
Madali lang ang TESDA Online Program registration. Sundin lamang ito:
- Bisitahin ang TESDA Online Program website: Pumunta sa www.e-tesda.gov.ph.
- Magrehistro ng account: Mag-click sa “Login” at piliin ang “Create an Account.”
- I-accept ang TESDA Online Program Privacy Notice.
- Magfill-up ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng pangalan, address, email, username at password. Huwag kakalimutan ang Password and Username dahil kakailanganin mo ito para maka-access sa iyong account.
- Ang TESDA ay magpapadala message sa iyong email address, nakapaloob dito ang confirmation link para ma-activate ang iyong account.
- Pumili ng kurso: Pagkatapos magrehistro, maaari ka nang mag-browse ng iba’t ibang kurso na available sa platform.